-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Cambodia 100-32 sa kanilang paghaharap ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sinamantala ni Gilas coach Chot Reyes ang kanilang mga kalamangan kaya binigyan niya ng pagkakataon na makapaglaro ang mga batang miyembro ng koponan na sina LeBron Lopez, Will Navarro at Jaydee Tungcab.

Paliwanag ni Reyes na ang nabanggit kasi ng mga manlalaro ay hindi nabigyan ng pagkakataon na makapaglaro laban sa Thailand nitong Linggo.

Doble ang kasiyahan ni Lopez dahil kasabay ng kaniyang ika-19 na kaarawan ay pinangunahan nito ang koponan kung saan nagtala siya ng 17 points, limang rebounds at dalawang blocks habang mayroong 16 points si Navarro at 14 points kay JD Tungcab.