-- Advertisements --

May malaking hamon ngayon ang Gilas Pilipinas Youth para sa nalalapit na 2024 FIBA Under-17 World Cup.

Ito ay matapos na kasama nila sa Group A ang Spain, Lithuania at Puerto Rico.

Isinagawa ang pag-draw ng mga groups nitong araw ng Miyerkules ng FIBA.

Nasa rank number 25 ang Gilas Youth, pangalawa naman ang Spain, pang-pito naman ang Lithuania at pang-15 naman ang Puerto Rico sa FIBA ranking.

Gaganapin ang torneo mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7 sa Istanbul, Turkey.

Noong Setyembre ng nakaraang taon ay tinalo ng Gilas Youth ang Japan sa 2023 FIBA Under-16 Asian Championship para makatiyak na puwesto sa World Cup.

Nasa Group B naman ang China, USA, France at Guinea habang Group C naman ay binubuo ng Argentina, Turkey, New Zealand at Italy at ang Group D ay binubuo ng Egypt, Germany, Canada at Australia.

Defending champion ang US sa U-17 at ito na ang pang-pitong magkakasunod na World Cup games nila.