Magiging malaking hamon ngayon sa Gilas Pilipinas ang pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying tournaments.
Sa ginawang drawlots ay nahanay ang Gilas sa Brazil, Georgia, Montenegro, Cameroon at Latvia.
Magsisimula ang laro sa Riga, Latvia sa darating ng Hulyo 2-7 sa susunod na taon.
Kasama kasi ang Pilipinas sa 16 na koponan na hindi naka-qualified agad mula sa FIBA Basketball World Cup 2023 na ginanap sa Pilipinas, Japan at Indonesia.
Sa OQT na magaganap sa Valencia, Spain ay maglalaban-laban ang Lebanon, Angola, Spain, Finland, Poland at Bahamas.
Habang ang mga larao sa Piraeus, Greece ay maghaharap ang mga bansang Slovenia, New Zealand, Croatia, Egypt, Greece at Dominican Republic at ang laro naman sa San Juan, Puerto Rico, ay maghaharap ang Mexico, Ivory Coast, Lithuania, Italy, Bahrain at Puerto Rico.
Sa anim na koponan ay nahati ito sa dalawang grupo kung saan ang Pilipinas ay makakaharap ang Gerogia, Latvia sa Group A at ang dalawang koponan na magwagi ay pasok sa semifinalss.
Tanging ang mananalo sa qualifying tournament ay nakakatiyak na sa Paris Olympics.