-- Advertisements --

May mga ilang PBA teams na ang nagpahayag ng kanilang interest na maglalagay ng kanilang manlalaro sa Gilas Pilipinas sa sasabak sa November Window ng FIBA World Asian Qualifiers.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) posibleng karamihan sa mga manlalaro na bubuo sa Gilas Pilipinas ay manggagaling sa TNT, San Miguel Beer at Barangay Ginebra.

Ilan sa mga manlalaro ay sina RR Pogoy, Poy Erram, June Mar Fajardo, CJ Perez, Scottie Thompson at Japeth Aguilar.

Sisimulan na nila ang kanilang ensayo sa darating na Setyembre 19 kung saan gagawin muna itong once-a-week basis at magiging madalas na ito matapos ang isang buwan.

Makakaharap ng Gilas kasi ang Jordan sa Amman sa Nobyembre 10 at pagkatapos ng tatlong araw ay makakaharap nila ang Saudi Arabia.