Ipinamalas ng Philippine national team ang galing nito sa larong Basketball matapos banggain ang Worlds no. 23 na Dominican Republic.
Sa paghaharap ng dalawa sa Philippine Arena, kapansin-pansin ang naging depensa ng Gilas sa kabuuan ng game, daan upang labis na pahirapan ang Dominican Team na pinangungunahan ni Minnesota Timberwolves at NBA all star Karl Anthony Towns.
Nagtapos ang laban ng dalawang koponan sa 87 – 81, pabor sa Dominican Team.
Sa kabuuan ng game, nagawa ng Gilas na dumikit sa Dominican Team at makailang beses ding lumamang, hanggang sa kinailangan na ni Fil-Am NBA star Jordan Clarkson na magpahinga dahil sa foul trouble, pagsapit ng 4th quarter.
Dito na sunod-sunod na kumamada ng puntos ang Dominican Team hanggang sa umabot sa lima ang kalamangan, ilang segundo bago ang pagtatapos ng laro.
Naging instrumento sa panalo ng Dominican Team si Minnesota Timberwolves Center at NBA all star Karl Anthony Towns na kumamada ng 26pts 10 rebounds double double.
Nasayang naman ang 28pts, 7 rebounds, at 7 assists na all around performance ni Clarkson, kasama ang 16pts ni Fajardo.
Samantala, narito ang resulta ng iba pang laro kahapon, kasabay ng pagsisimula ng FIBA basketball world cup 2023:
1. Tinalo ng (World no.18)Montenegro ang (World no. 31)Mexico sa score na 91 – 71
2. tinalo ng (10)Italy ang (41)Angola sa score na 81- 67
3. tinalo ng (3)australia ang (24)finland sa score na 98 – 72
4. Tinalo ng (29)Latvia ang (42)Lebanon sa score na 98 – 72
5. tinalo ng Germany(11 ) ang Japan(36) sa score na 81 – 63
6. Natalo naman ang Egypt(55) sa nakalaban nitong Lithuania(8) sa score na 67 – 93
7. habang tinambakan ng Canada(15) ang France(5) sa score na 95 – 65
Ngayong araw, apat na match-up ang nakahanay sa Pilipinas:
1. (62)South Sudan vs (21)Puerto Rico sa Araneta Colliseum(4pm)
2. (34)Jordan vs (9)Greece sa MOA(4:45)
3. (6)Serbia vs (27)China sa araneta(8:00pm)
4. (2)USA vs (26)New Zealand sa MOA(8:40pm)