Binigo ng Gilas Pilipinas ang India 79-63 sa unang round ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifier.
Sa first quarter 21 points ang kalamangan ng Gilas habang sa second quarter ay mayroong 24 points.
Sinubukan pang bawasan ng India ang kalamangan subalit hindi na nila ito nahabol.
Nanguna sa panalo si Dwight Ramos na nagtala ng 21 points habang mayroong 12 points si Kiefer 12 at 11 points ang naitala ni Will Navarro.
Ito na rin ang pangalawang beses na tinalo ng Gilas PIlipinas ang India na una ay mayroong tinambakan din nila 88-64.
Mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo ang Gilas PIlipinas sa first round habang walang panalo ang India sa apat na laro.
Kahit na walang panalo ang India ay pasok na rin sila sa ikalawang round kasama ang Pilipinas at New Zealand dahil na-disqualified ang South Korea sa Group C.
Tiyak na kasi ang Pilipinas sa World Cup dahil sa pagiging host kasama ang Japan at Indonesia.










