-- Advertisements --

Plano na ngayon ng Gilas Pilipinas na dalasan ang gagawing ensayo mahigit isang buwan bago ang November windor ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.

Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes, na hindi bababa sa 16 na mga players ang dumadalo sa ensayo na nagsimula noon pang Setyembre.

Bukod kasi sa mga PBA players may mga inimbitahan silang manlalaro mula sa UAAP at NCAA.

Inaayos na lamang nila ang mga schedule ng mga manlalaro para makatutok ang mga ito sa nasabing nalalapit na torneo.

Ilan sa mga college basketball players na nakadalo ay sina Carl Tamayo ng University of the Philippines, Kevin Quiambao ng La Salle at Angelo Kouame ng Ateneo.

Giit ni Reyes na hanga siya sa mga ipinakitang interest ng mga batang manlalaro.

Regular din na dumadalo sa kanilang ensayo ang beteranong Gilas players na si June Mar Fajardo, CJ Perez, Roger Pogoy, Poy Erram, and Calvin Oftana, NorthPort’s Arvin Tolentino, William Navarro , LeBron Lopez, Justin Brownlee, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo.