-- Advertisements --

Walang gagawing pagbabago si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa mga manlalaro nito na isasabak sa FIBA Basketball World Cup sa buwan ng Agosto.

Kasunod ito sa pag-atras ng ilang manlalaro gaya nina Carl Tamayo dahil sa injury sa tuhod.

Sinabi ng Gilas coach na habang papalapit ang torneo ay mababago pa ang listahan hanggang maianunsiyo ang final 12 na isaabak.

Magkakaroon aniya ng abala sa oras ng paghahanda sa mga dokumentong kakailanganin kapag naghanap pa ang mga ito ng pamalit.

Magtutungo kasi ang koponan sa Estonia sa Hunyo 22 para sa ilang linggong training camp bago ang FIBA World Cup.

Pagtitiyak pa ni Reyes na may mga nakaplano silang hakbang para sa nasabing torneo.