-- Advertisements --
Ipapaubaya na lamang ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa mga bench players ang kanilang susunod na laro sa 2022 FIBA Asia Cup.
Ito ay matapos na talunin sila ng Lebanon 95-80 kagabi.
Dagdag pa nito na isa umanong aral sa kanila ang nasabing pagkatalo.
Pagtitiyak nito na makakabalik sila sa pagharap nila sa India sa Biyernes sa Hulyo 15.
HIndi rin nito ikinaila na nagkaroon ng 16 turnovers ang Gilas Pilipinas kaya nakalamang ang Lebanon ng 21 points.