-- Advertisements --

Nanawagan na si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa mga mamayan na ibigay ang buong suporta sa basketball team ng bansa na sasabak sa FIBA Basketball World Cup.

Sinabi nito na nasanay na siya sa mga puna sa tuwing nabibigo ang mens basketball team ng bansa.

HIndi aniya nito makontrol ang emosyon ng fans sa tuwing naglalaro sila kaya mahalaga ang buong suporta.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic sa Philippine Arena.