-- Advertisements --
GILAS PRAKTIS

Nakatakda nang lumipad patungong China ang Team Gilas PIlipinas sa Setyembre-23 o siyam na araw mula ngayon, para sa Asiad.

Kasabay nito ay sunod-sunod na ang ginagawang pagsasanay ng buong team, lalo na at kalahati nito ang napalitan mula sa dating lineup sa FIBA 2023.

Ngayong linggo, magkakasunod ang isinagawang ensayo ng buong team, matapos maisapinal ang listahan ng mga players na magiging bahagi ng Gilas Team.

Ayon kay Head Coach Time Cone, kailangang ma-incorporate ang mga bagong players sa mga natirang players ng Gilas na unang sumabak sa FIBA.

Kabilang sa mga kinailangang mapalitan ay sina NBA star Jordan Clarkson, Kai Sotto, Dwight Ramos, Kiefer Ravena, AJ Edu and Rhenz Abando, dahil sa kanilang commitment sa kanilang dating team.

Nakahanay ng Team Gilas ang Jordan, Thailand, at Bahrain, sa ilalim ng Team C.

Magtatagal naman ang Asiad mulaSeptember 26 hanggang October 6.