-- Advertisements --
Nagtapos lamang sa ikatlong puwesto ang Gilas Pilipinas sa Group D ng 2022 FIBA Asia Cup.
Ito ay matapos na talunin sila ng New Zealand 92-75 sa laro na ginanap sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia.
Mayroong isang panalo at dalawang talo ang national basketball team ng bansa.
Dahil dito ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang number 2 seed na Japan sa Group C kung saan bumabandera si NBA player Yuta Watanabe para sa knockout quarterfinals sa Hulyo 19.










