-- Advertisements --
Nabigo ang Gilas Pilipinas sa kamay ng host country na Cambodia 79-68 sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games.
Sa umpisa pa lamang ng laro ay ipinagana na ng Cambodia ang kanilang anim na matatangkad na manlalaro kung saan tinambakan agad nila sila ng19 points.
Pinilit ng Gilas Pilipinas na habulin ang kalamangan ng Cambodia subalit hindi nila nagawang makakuha ng kalamangan.
Mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gilas ng tambakan nila ang Malaysia sa unang laro nila.
Inaasahan naman na makakapasok sa semifinals kapag matatalo nila ang Singapore sa araw ng Sabado.