Kailangang magpatupad ng malaking adjustment at pagbabago sa laro.
Ito ang iginiit ni Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone, bago ang nakatakdang bakbakan ngayong gabi sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Jordan Falcons.
Ayon kay Coach Tim, una nang tinambakan ng Jordan ang Gilas sa nauna nilang paghaharap kayat kailangan nang magpatupad ng adjustment sa muli nilang paghaharap.
Giit ng batikang coach, hindi maaaring gagawa sila ng parehong bagay at aasa ng ibang resulta.
Pagtitiyak nito na marami na ang naidagdag sa laro ng Gilas simula ng huling makaharap ang Jordan sa elimination games ng Asiad 2023.
Hindi man idinetalye ng batikang coach ang karagdagan sa kanyang mga plano ngunit pagtitiyak nitong gagawa ng magandang performance ang Gilas sa loob ng 40 minuto.
Maalalang sa paghaharap ng dalawang bansa ay nagawa ng Jordan na tambakan ang Pilipinas sa pamamagitan ng 87 – 62 na panalo.
Naging malaking problema sa Gilas ang episyenteng laro ni Hollis-Jefferson, na kumamada ng 24 points, 9 assists, 6 rebounds at 2 steals.