-- Advertisements --
Chot Reyes

Gilas Pilipinas, haharapin ang South Sudan mamayang gabi sa classification phase; Karibal na China naman sa sabado-
Loops: team Gilas, South Suda, China

Bagaman hindi pinalad na makapagbulsa ng panalo ang Philippine national team para makausad, buhay pa rin ang pangarap nito na makapag-uwi ng panalo sa ilalim ng classification phase.

Dito kasi makikita kung makakapasok ang Pilipinas sa Olympics, na isa rin sa pinakamalaking turneyo ng international basketball.

Sa ilalim ng Clasification Phase, maglalaban-laban ang mga talunang team o yaong mga team na hindi nakausad sa ikalawang elimination, upang matukoy ang kanilang mga World Ranking.

Ito na rin ang isa sa mga magsisilbing basehan ng International basketball organization na pinangangasiwaan ng FIBA para matukoy kung sino ang makakausad sa Olympics.

Batay sa bracket format ng FIBA 2023, ang mga team sa Group A na hindi nakausad sa 2nd elimination ay itatapat sa mga team sa Group B na hindi nakausad sa ikalawang elimination. Ganito rin ang gagawin sa Group C at D; Group E at F, at Group G at H.

Batay sa itinakdang schedule ng FIBA, makakaharap ng Gilas Pilipinas ang South Sudan mamayang gabi habang ang karibal na China ay nakatakda sa Sabado.

Ang dalawang laban ay kapwa gaganapin sa Araneta Coliseum.

Bagaman maliit lamang ang tyansa ng Gilas na makapasok sa Olympics, maaari pa ring umabot ang national team kung tatalunin nila ang South Suda at China, kasama na ang iba pang mga Asian team.

Ang top Asian team ang siyang otomatikong ma-qualify na sa Olympics.

Bagaman may isang panalo ang Japan, hindi pa rin ito nakausad sa 2nd Elimination kayat kakailanganin pa rin nitong labanan ang iba pang Asian team.

—————-

Sa pagtatapos ng unang elimination game sa FIBA 2023, narito ang GROUP STANDING AS OF AUG 31

GROUP A

1. DOMINICAN REPUBLIC(25) 3- 0
2. ITALY(10) 2-1
3. ANGOLA(41) 1-2
4. PHILS(40) 0-3

GROUP B.

1. SERBIA(6) 3-0
2. PUERTO RICO(21) 2-1
3. SOUTH SUDAN(62) 1-2
4. CHINA(27) 0-3

GROUP C.

1. USA(2) 3-0
2. GREECE(9) 2-1
3. NEW ZEALAND(26) 1-2
4. JORDAN(34) 0-3

GROUP D.

1. LITHUANIA(8) 3-0
2. MONTENEGRO(18) 2-1
3. EGYPT(55) 1-2
4. MEXICO(31) 0-3

GROUP E.

1. GERMANY(11) 3-0
2. AUSTRALIA(3) 2-1
3. JAPAN(38) 1-2
4. FINLAND(24) 0-3

GROUP F.

1. SLOVENIA(7) 3-0
2. GEORGIA(32) 2-1
3. CAPE VERDE(66) 1-2
4. VENEZUELA(17) 0-3

GROUP G.

1. SPAIN(1) 3-0
2. BRAZIL(13) 2-1
3. IVORY COAST(43) 1-2
4. IRAN(20) 0-3

GROUP H.

1. CANADA(15) 3-0
2. LATVIA(29) 2-1
3. FRANCE(5) 1-2
4. LEBANON(42) 0-3