-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes kay San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua bilang executive advisor ng national basketball team ng bansa.

Isinagawa ang pagtatalaga ay Chua sa ginawang pagpupulong Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

Ayon kay Reyes na mayroong malaking tulong sa koponan si Chua.

Bilang executive advisor ay tutulong si Chua sa mga crucial preparations ng Gilas Pilipinas sa mga torneo sa ibang bansa gaya sa Asian Qualifiers at 2023 SEA Games.

Dagdag pa nito na kanilang kailangan ang anumang tulong na ibibgay ng SBP para sa ikakabuti ng Gilas Pilipinas.