-- Advertisements --

Hindi na pinapansin ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang mga batikos na kaniyang natatanggap dahil umano sa mahinang performance ng national basketball team.

Sinabi nito na nakatuon ang focus niya ngayon sa mga laro ng koponan at hindi niya pinapatulan pa ang mga batikos sa kaniya.

Ang kanilang panalo laban sa India nitong gabi ng Biyernes sa score na 101-59 ay tila isang pagbawi sa kanilang masaklap na pagkatalo sa Lebanon, 80-95 noong Miyerkules sa laro na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Dagdag pa ng beteranong coach na ang nasabing trabaho ay ibinigay lamang sa kaniya at hindi siya nagmakaawa o nag-apply para makuha lamang ito.

Aminado ito na hindi pa nito nabubuo ang pinakamagaling na basketball team na sasabak para sa FIBA World Cup sa darating na taon kaya patuloy ang kanilang ginagawang ensayo.

Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand para sa Group D kung saan mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gilas na siyang maganda para sa susunod na round ng Asian Cup.