-- Advertisements --

Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro.

Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South Korea na si Ricardo Ratliffe.

Sa simula aniya ay tila nababahala ito sa laki ni Ratliffe kaya nagkaroon ito ng foul trouble subalit kinalaunan ay nakapag-adjust na rin ito sa paglalaro.

Magugunitang tinalo ng Gilas ang Korea 81-70 sa pamamagitan ng last seconds shot ni SJ Belangel.