-- Advertisements --
CELL SITES GLOBE TELCOS
Telco cell sites (from Globe photo)

Nakahanda raw tumalima ang Globe telecommunication sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagandahin ang kanilang serbisyo bago ang buwang Disyembre.

Ayon sa naturang kumpanya, nag-i-invest daw ngayon sila ng bilyong dolyar para ma-upgrade at mag-improve ang kanilang network.

Pero aminado naman ang naturang telecommunication company na may kinahaharap pa rin silang mga challenges habang pinapaganda nila ang kanilang serbisyo.

Ibinida naman ni giant company na ngayong panahon ng pandemic ay aktibo silang sumusuporta sa mga private hospitals, quarantine facilities at frontliners.

Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa Department of Education (DepEd) para sa mas murang data plans at devices maging ang mga pagsasanay ng mga guro, online platforms at mental health support.

Sa ngayon nasa P1.3 billion na raw ang halaga ng mga serbisyong naibahagi ng telecommunication para Coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa mga customers sa pamamatigan ng mga services at promos, monetary at in-kind donations.

Kahapon nang magbanta ang Pangulong Duterte sa dalawang giant telecommunication company dahil sa kanilang hindi magandang serbisyo.