-- Advertisements --

Aabot sa 750 Filipino registered nurses ang kailanga ng Germany sa lalong madaling panahon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isang luham, sinabi ng DOLE na ang International Placement Services ng German Federal Employment Agency ay naghahanap ng qualified applicants sa iba’t ibang posisyon.

Kabilang na rito ang nurses na magsisilbi sa Intensive Care Unit; Geriatric Carel; General Ward; Medical at Surgery Ward; Operating Room; Neurology, Orthopedics at related fields; Psychiatry; at Pediatrics at Neonatal Ward.

Kailangan lamang na ang mga mag-apply rito ay Filipino citizen at permanent resident ng Pilipinas, nakapagtapos ng Bachelor of Science in Nursing ay mayroong active Philippine Nursing Licens; mayroong kahit isang taon na related professional experience sa mga ospital, rehabilitation centers at/o sa mga care institutions.

Kailangand in na mayroong German language proficiency o handang sumailalim sa German language training sa Pilipinas para makakuha ng Level B1 status, at dapat nakadalo rin sa language class sa November 2021-January 2022 period, o hindi kaya ay mayroong B1 o B2 Language Proficiency Level.

Ang mga makakapasok sa trabah ay makakatanggap ng starting monthly salary na €2,300 o P135,700.

Unti-unti pa itong tataas sa €2,800 o P165,200 sa oras na ma-qualify as nurse.