-- Advertisements --

Nangako ang Germany na magbibigay pa ng ilang mga armas sa Ukraine.

Ito ang naging pahayag ni Foreign Minister Annalena Baerbock ng Germany noong ito ay surpresang bumisita sa Kharkiv, Ukraine.

Dagdag pa nito na nais malaman ng Ukraine na laging nakaalalay ang Germany sa kanila.

Ilan sa mga armas na ibibigay ng Germany ang Marder Infantry fighting vehicles at dagdag na Patriot air defense battery.

Naniniwala naman si Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na makakarating agad ang mga tulong na armas ng Germany para tuluyang malabanan nila ang Russia.