-- Advertisements --

Plano ng Germany na magbigay ng libreng pagsasanay sa mga sundalo ng Ukraine.

Ayon kay German defense minister Christine Lambrecht , na posibleng magsimula ang pagsasanay sa susunod na mga linggo.

Nais kasi nito na makabisado ng mga sundalo ang Multiple Launch Rocket System Mars II, ang armas na ibibigay nila sa Ukraine.

Mayroong tatlong rocket system ang nakatakdang ibigay ng Germany sa Ukraine habang ang US ay magbibigay ng apat na Multiple Rocket Launch System (MLRS) para gamitin ng Ukraine sa pagdepensa ng kanilang bansa laban sa Russia.