-- Advertisements --

Nagnegatibo sa coronavirus ang tennis player na si Alexander Zverev.

Ito ay matapos na makaranas ng sintomas ng virus habang naglalaro ng ikaapat na round na ng French Open.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng test result nito.

Pinasalamatan niya si Jannik Sinner ng Italy na nagbigay ng magandang laban kahit na talo ang World number 7.

Dagdag pa nito na kasalukuyan pa itong nagpapalakas dahil pinayuhan ito ng doctor na mamahinga.

Noong third round pa lamang ng torneo ay may lagnat na ito.

Noong nakaraang buwan ay hindi na sumali ito sa US Open matapos na nagpositibo sa COVID-19 ang mga magulang nito.