-- Advertisements --

Ibinahagi ng China sa World Health Organization at international scientific community ang impormasyon tungkol sa genome sequence ng coronavirus na mula Beijing.

Ito’y matapos umabot ng halos 200 ang bagong kaso ng virus sa nasabing lugar na hinihinalang nanggaling sa isang wholesale food market.

Libo-libong katao sa Beijing ang kasalukuyang isinasailalim sa COVID-19 test kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng virus sa China.,

Naka-lockdown na rin ang lahat ng eskwelahan sa lugar habang patuloy na nagsasagawa ng contact-tracing ang mga otoridad sa mga indibidwal na nagpunta ng Xinfadi food market.

Batay sa initial findings, nanggaling umano sa Europe ang strain ng coronavirus na kanilang nakuha subalit iba raw ito sa unang kumalat sa bansa.

Ayon kay Zhang Yong, mula sa Chinese Cneter for Disease Control and Prevention (CDC), na posibleng nakakapit ito sa mga imported frozen foods o di kaya naman ay sa mismong palengke.

Nakita rin daw ng mga ito na nakakapit ang virus sa mga chopping boards na ginagamit para sa salmon.