Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) at Bulacan na mayroong restrictions habang nasa heightened restrictions naman ang mga probinsiya ng Laguna, Cavite, Rizal mula Hunyo 16-Hunyo 30, 2021.
Ilang mga lugar sa mas pinaluwag na GCQ mula June 16-30 ay ang Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, and Benguet in the Cordillera Administrative Region; Isabela, Nueva Vizcaya, and Quirino in Region 2; Batangas and Quezon in Region 4-A; Iligan City in Region 10; Davao del Norte in Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato at South Cotabato sa Region 12 at Lanao del Sur at Cotabato City sa BARMM.
Inilagay naman sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Santiago City at Cagayan sa Region 2, Apayao at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Bataan sa Region 3; Lucena City sa Region4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Naga City sa Region 5; Iloilo City at Iloilo sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga del Norte sa Region 9; Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11 at Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA.
Ang ilang bahagi naman ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula June 16 hanggang 30.
Pinalawig din ng pangulo ang travel restrictions na ipinapatupad sa mga pasahero na manggagaling sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman mula June 16-30.















