-- Advertisements --

Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang kanilang pag-uusap ng mga kaanak na nasa Gaza at naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas Militants.

Sa kaniyang social media ay sinabi nito labis siyang nalulungkot at natatakot dahil sa nangyayaring kaguluhan.

HIndi rin aniya ito puwedeng manahimik sa nangyayaring patayan sa lugar dahil nandoon ang kaniyang pamilya.

Kasalukuyan kasing nasa Gaza ang kaniyang stepmother at kapatid na lalaki.

Si Gazini ay half-Palestinian at half-Filipina kung saan noong 2020 ay nagkita sila ng kaniyang ama na isang Palestinian.