Nilinaw ni acting Senate President at Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian na tanging ang opisyal na Blue Ribbon Committee ng Senado lamang ang kinikilala ng institusyon sa anumang imbestigasyon o pagdinig.
Ayon kay Gatchalian, hindi kikilalanin ng Senado ang anumang parallel o hiwalay na hearing na isinasagawa sa labas ng opisyal na komite na pinamumunuan ni Senator Erwin Tulfo.
Giit niya, walang legal na bisa o awtoridad galing sa institusyon ang mga hiwalay na pagdinig.
Paliwanag pa ng opisyal, seryosong usapin ang pagtukoy at pag-imbestiga sa korapsyon kaya dapat ito ay isinasagawa lamang sa tamang proseso at sa lehitimong forum ng Senado.
Nanawagan din si Gatchalian sa mga testigo at resource persons na makipagtulungan at dumalo lamang sa mga opisyal na pagdinig ng Blue Ribbon Committee.
Ginawa ni Gatchalian ang pahayag kasunod ng naunang abiso ni Senator Erwin Tulfo na walang nakatakdang opisyal na hearing ang komite ngayong araw ng Martes, Hunyo 16, 2026 kasabay ng anunsyo ni datong Congressman Mike Defensor.
Matatandaang nagkaroon din ng hiwalay na pagdinig kamakailan na pinamunuan ni Senator Pia Cayetano kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Sa ngayon, nilinaw ng liderato ni Gatchalian na iisa lamang ang opisyal na Blue Ribbon Committee at ito lamang ang may awtoridad na magsagawa ng pormal na imbestigasyon.
















