-- Advertisements --

Muling itinutulak ni Senator Sherwin Gatchalian na pagbabawal sa paggamit ng social media sa mga minor de edad sa Pilipinas. 

Kasunod ito ng pagpaptupad ng Indonesia ng ban sa mga batang edad 16 pababa sa paggamit ng mga high-risk platform tulad na Facebook, Instagram, TikTok, Youtube at Roblox. 

Ayon sa senador, dapat nang kumilos ang pamahalaan upang ma protektahan ang mga kabataan laban sa online exploitation at iba pang mapanganib na content. 

Nauana nang hinimok ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang mga telco na maghanda sa posibleng  nationwide block sa Roblox dahil sa banta nito sa kaligtasan ng mga bata. 

Binanggit din ni Gatchalian ang resulta ng Programme of International Student Assessment kung saan lumalabas na bawat isang oras na dagdag sa paggamit ng digital devices ng mga 15-anyos na estudyante ay may katumbas na pagbaba sa kanilang math performances. 

Dagdag pa rito, lumakas ang panawagan sa regulasyon matapos hatulan ng isang jury sa Los Angeles ang ilang tech companies kaugnay ng social media addiction sa mga kabataan. 

Sa ngayon, isa na rin ang Australia sa mga bansang nagpapatupad ng pagbabawal sa social media para sa mga menor de edad, na tuluyang ipinatupad noong Desyembre 2025.