CENTRAL MINDANAO-Takot at patuloy na lumilikas ang mga residente sa hangganan ng Aleosan at Pikit Cotabato.
Matatandaan na sumiklab ang matinding engkwentro ng mga Cafgu at mga armadong BPAT sa Sitio Tamnag Barangay Tapodoc Aleosan Cotabato.
Nakilala ang mga nasawing mga tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) na sina CAA Ramel Santillan,22 anyos,CAA Jesry Galo,22,CAA Melvin Cabrera,30,CAA Johnrey Cabrera,CAA Moises Galo,23 at CAA Jomar Roben,36.
Sugatan naman sina CAA Gibel Galo,33,CAA Harison Galo,27,CAA Dante Boboy,25 at CAA Ariel Wacan,35,mga residente ng Barangay Bualan Pikit Cotabato.
Patay naman sa mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at MILF sina Abdul Khaeer Odin, Zulfikar Taya at Sammy Palao.
Sugatan sina Alameen Piang at Mohamad Kanakan habang nakatakos sina Taut Dungadong,Muhamad Ali, Montaser Talano at Tikoy Piang.
Unang tinambangan patay ang isang Cafgu at nang magresponde ang kanyang mga kasamahan ay doon na sumiklab ang matinding sagupaan sa magkabilang panig.
Una ng kinomperma ni Aleosan Chief of Police Major Jennefer Amotan na may matagal ng hidwaan ang grupo nila Kumander Montasir at Wacan Group ng mga Cafgu.
Sa ngayon ay nagtutulungan ang MILF,LGU,AFP at PNP na agad maresolba ang hidwaan ng dalawang grupo.