-- Advertisements --
Ipinagpaliban na ng NBA ang laro sana ngayong araw sa pagitan ng Golden State Warriors at Denver Nuggets.
Sinasabing dahil sa dami ng players at maging coach na isinailalim na rin sa quarantine hindi na umano nasa minimum na walong players ang koponan.
Ito na ang ika-11 laro sa NBA na nagkansela ng schedule dulot pa rin ng COVID outbreak.
Ang isa sa mga player ng Warriors ay labis na ang pagkadisya sa nakakanselang mga laro:
“How do you continue to cancel games when you’ve implemented rules to prevent this from happening? Is that not a competitive advantage for other teams? The guys we didn’t have due to the protocol list played no role in Tuesdays loss? Pick a side but don’t straddle the fence,” ani Dray Green.