Plano ng Land Transportation Office (LTO) na lalo pang pabilisin ang isinasagawang pag-imprenta sa mga plaka ng sasakyan.
Ito ay batay na rin sa target ng ahensiya na ilunsad ang ‘full production’ para sa mga naturang plaka, na una nang napaulat ang kakulangan o malaking backlog.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nais nilang mapabilis ang distribusyon ng mga plaka at matugunan ang matagal nang kakulangan sa mga ito.
Bahagi ng plano ng ahensyia ay ang pagpapa-angat sa produksyon ng mga makinta sa planta.
Ayon sa LTO Chief, ayaw nilang matagalan pa ang mga motorista sa buong bansa, sa paghihintay na matapos at mai-distribute ang kanilang inaplyang mga plaka.
Dating gumagamit ang LTO ng hanggang sa limang makina para sa nturang proyekto.
Ayon kay Mendoza II, aabot na sa walo ang ginagamit na makina at sa pamamagitan nito ay maaaring maabot ang hanggang sa 32,000 plates sa araw-araw na produksyon.