-- Advertisements --
Ipapanatili ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharges sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa CAB na mananatili sa Level 6 sa buwan ng Oktubre ang fuel surcharge.
Patuloy din ang kanilang ginagawang pag-aaral sa matrix habang ang base rates ay tumataas.
Sa ilalim ng Level 6 ang pasahero ay dapat magbayad ng fuel surcharges ng P185 hanggang P665 para sa local trips at P610.37 at P4,538.5 para sa mga international flights.
Magugunitang napilitan ang CAB na itaas sa Level 6 ang fuel surcharge ngayong Setyembre dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.