-- Advertisements --
Uutay-utayin ng Department of Transportation (DOTr) ang planong pagbibigay muli ng mga fuel subsidy sa mga pampasaherong tsuper ngayong taon.
Sinabi ni DOTr Usec. Mark Steven Pastor na mayroong nakalaang P3 bilyon na pondo ang ahensiya para nasabing programa ngayong taon.
Hindi aniya agad nila ito uubusin dahil sa kakaumpisa pa lamang ng taon at marami pang asahan na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Nakasaad kasi sa 2023 General Appropriatioins ACt na maaring maglabas ng fuel subsidy ang ahensya kapag mayroong tatlong buwan na magkakasunod na umabot sa $80 per barrel ang Dubai crude oil.