-- Advertisements --
Ibinunyag ng French actress na si Emmanuelle Béart na ito ay biktima ng incest.
Ayon sa “Mission Impossible” actress na mula noong siya ay nasa edad 10 hanggang 14 ng mangyari ang insidente.
Isinagawa nito ang pagbubunyag sa documentary film sa France na tumatalakay sa pang-aabuso sa mga kabataan.
Hindi na nito binanggit ang suspek para maprotektahan ang kaniyang pamilya.
Nailigtas lamang siya aniya ng ikustodiya siya ng kaniyang lola.