France nakapagtala ng sunod-sunod at tila malalaking mga wildfire dahil sa nararanasang mataas na temperatura
Unread post by bombodagupan » Tue Jul 19, 2022 6:16 am
BOMBO DAGUPAN – Sunod sunod at tila malalaking mga wildfire na ang naitatala sa bansang France dahil sa nararanasang mataas na temperatura.
Ayon kay Bombo International Correspondent Regen Udalve, mula sa Paris, France, may mga ulat ng mga nararanasang mga wildfire sa mga regional at coastal border ng naturang bansa kung saan ay umabot na sa 14,000 na katao ang inilikas dahil sa naturang mga insidente.
Bukod pa rito, nakakapanibago para sa mga mamamayan ng Paris, France ang pagtaas ng temperatura sa mga nakaraang araw ngayong taon dahil hindi umano nakasanayan ang sobrang init sa kanilang lugar dahil madalas naman umano na mababa lamang ang temperatura doon kahit pa summertime.
Aniya, kung dati ay hindi na bumibili ng aircon ang mga mamamayan noon, dahil sa mainit na panahon ngayon sa kanilang lugar ay marami na umano ang bumibili nito para maibsan ang mataas na temperatura na umabot pa sa 40 degrees celcuis.
Nagtayo na rin ng mga temporary fountain na itinayo sa mga parke para sa mga tao na nais na maibsan ang uhaw at init na kanilang nararamdaman.
Kasunod nito ay nagbaba na rin ng abiso ang health authority doon sa banta ng heat stroke at iba pang mga sakit na naiuugnay sa mataas na temperatura lalo na sa mga matatanda.
Sa kabila man nito, ipinagpapasalamat na lamang nila na wala pa naman umanong naitatalang casualty dahil sa mataas na temperatura kumpara sa kalapit bansa nito na Spain at Portugal.