BUTUAN CITY – Iniutos na ni Department of Environment and Natural Resources-Caraga Regional Executive Director Atty. Felix Alicer ang imbestigasyon hinggil sa nasusunog na bahagi ng 5,325-ektaryang swampy forest ng Bayugan 3 sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur.
Napag-alamang nagsimula umanong makita ang makapal na usok mula sa nasabing kagubatan nitong Agusto 25 na tumagal pa hanggang sa ngayon, bagay na ikina-alarma na ng mga lokal na opisyal kaya tumawag na ng mga bombero mula sa kalapit na mga fire stations.
Ayon sa City Environment & Natural Resources Office-Bunawan sa pamamagitan ni Jerome Albia, pinagsisikapan ng mga bombero na maabot ang eksaktong lokasyon ng nasusunog na 63 ektarya ngunit bigo sila.
Mahirap aniya itong pasukin lalo’t wala pang supply ng tubig.