Iniulat ng Commission on Audit (COA) na tumaas ng mahigit 1000% ang nagastos sa pagbiyahe sa labas ng bansa ng Office of the President noong 2022.
Ito ay katumbas ng P367,052,245.96 na pagtaas.
Ayon sa state auditors, ang foreign travel-related expenses sa Office of the President ay umakyat sa P392,307,409.91 noong 2022 mula sa P25,255,163.95 million noong 2021.
Base sa 2022 annual audit report, ang significant increase ay ginugol sa expenses na nagamit ng Office of the President para sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsisimula ng kaniyang termino noong 2022.
Kung saan nasa P367 million dito ay ginamit para sa official trips may kinalaman sa foreign summits at state visits na dinaluhan ni PBBM noong 2022 sa Singapore, Indonesia, US, Cambodia, Thailand at Belgium.
Saklaw sa foreign travel expenses ay transportation, travel per diem, pasaporte, pagproseso ng visa at lahat ng iba pang travel-related expenses.