-- Advertisements --

Pumalo lang sa $311 million ang naitalang foreign direct investments (FDI) noong Abril, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sinabi ng BSP na mas mababa ito ng 67.9 percent kumpara sa $971 million net inflow sa kaparehas na period noong nakaraang taon.

Ayon sa BSP, ang pagbagal ng FDI inflows ay epekto ng patuloy na paghina ng global at domestic demand prospects bunsod ng COVID-19 pandemic, dahilan para i-hold ng maraming investors ang kanilang investment plans.

Nabatid na ang net investments noong Abril ay $223 million lamang o mas mababa ng 73.2 percent kumpara sa naitala sa kaparehas na period noong 2019.

Ang equity capital naman ay bumaba naman ng 82.6 percent sa $7 million.