-- Advertisements --

Ipagbabawal muna ng China ang mga banyagang papasok sa bansa simula mamayang gabi para labanan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus.

Pansamantalang sinuspinde ang entry visas na ibinigay sa mga foreigners bilang “interim measure.”

“In view of the rapid spread of the new coronavirus epidemic worldwide, China has decided to temporarily suspend entry of foreigners with currently valid visas and residence permits in China,” saad ng Chinese ministry.

“This is an interim measure that China has to take in order to respond to the current epidemic situation, with reference to the practice of many countries. The Chinese side will adjust the above measures according to the epidemic situation through separate announcements,”

Kung matatandaan, sa China nagsimula ang global pandemic na nararanasan ng buong mundo kung saan ang epicenter nito ngayon ay tumama na rin sa Europe at malalaking syudad sa Estados Unidos.