-- Advertisements --

Nakapagtala ng bagong record si football star Cristiano Ronaldo.

Ito ay matapos na maging kauna-unahang football player na maging bilyonaryo sa kasaysayan ng nasabing sports.

Ayon sa Forbes magazine umabot na kasi sa mahigit $1 billion dollar ang kaniyang kinita.

Ang $650 million ay galing sa paglalaro niya ng football bilang forward player ng Juventus football club habang ang ibang kita nito ay mula sa iba’t-ibang endorsement nito.

-- Advertisement --

Siya na rin ang pangatlong atleta sa buong mundo na umabot sa bilyong dolyar ang kita na una ay kinabibilangan ni Tiger Woods at Floyd Mayweather Jr.