-- Advertisements --

Nakatakdang sumailalim sa operasyon si Brazilian soccer superstar na si Neymar matapos na mapunit ang kaniyang kaliwang anterior cruciate ligament (ACL) at meniscus.

Natamo ng 31-anyos na football star sa pagkatalo ng kaniyang kopona na Brazil 2-0 laban sa Uruguay.

Sinabi ng kaniyang kopona na Al-Hilal na hindi pa nila tiyak kung hanggang kailan ito tuluyang gumaling at makabalik sa paglalaro dahil sa injury.

Magugunitang lumipat si Neymar sa Saudi Arabian club noong Setyembre matapos ang pananatili ng anim na season sa Paris Saint-Germain.

Dahil sa paglipat nito ay tinagurian siya bilang isa sa most expensive soccer player of all time na sa paglipat nito ay nabayaran siya ng $243.1 milyon.