-- Advertisements --

Pinagkaguluhan sa Iran ang football star na si Cristiano Ronaldo.

Nasa Iran ang 38-anyos na Portuguese football star kasama ang Saudi team na Al Nassr para sa harapin ang koponang Persepolis football team ng Iran bilang bahagi ng Champions League.

Hindi magkahumayaw ang mga football fans para makita si Ronaldo kung saan sinundan nila ito sa kaniyang hotel.

Maging ang kaniyang bus na sinakyan ay kinuyog ng mga fans para makita lamang ang idolo nila.

Sa loob kasi ng pitong taon ay ngayon lamang nakadalaw ang Saudi football team sa Iran.

Huling naglaro ang Saudi football team ay noong 2016 at mula noon ay hindi na sila bumalik dahil sa pangamba sa kanilang seguridad.

Magugunitang naibalik ang diplomatic relationship ng Saudi at Iran dahil sa ginawang hakbang ng China para sila ay magkasundo.