-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $2.4 milyon sa isang auction ang bola na pinasikat ng Argentinian football legend na si Diego Maradona.

Ang “hand of God” na bola ay siyang nagpanalo sa Argentina laban sa England noong 1986 World Cup quarter-finals.

Ang 36-anyos na Adidas ball ay pag-aari ng game referee na si Tunisian Ali Bin Nasser.

Sinabi ni Nasser na napapanahon na para maipakita ito sa publiko at umaasa siya na ang makakabili nito ay i-display niya ito sa publiko.

Kapwa naitala ni Maradona ang goals ng Argentina na 2-1 na siyang nagpanalo laban sa Englad sa 1986 World Cup.

Una ng naibenta nag uniporme ni Maradona noong Mayo sa halagang $9.3-M.

Magugunitang noong 2020 ng namayapan si Diego Maradona sa edad 60.