-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senador Ping Lacson ang pagkakatulad ng modus sa flood control scandal sa Bulacan at sa umano’y nangyayari sa mga flood control project sa Taguig City.

Natuklasan umano ng team ni Sen. Lacson na parehas ang ilang ginamit na templates para sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan at sa ilang kwestiyonableng proyekto sa Taguig.

Maging ang ilang larawan aniya ay pareho rin.

Ang naturang template at mga larawan aniya ay ginagamit din sa iba pang bahagi ng bansa.

Ang pagkakaiba lamang aniya ay ang petsa sa mga naturang proyekto.

Giit pa ni Lacson, tanging si Sen. Alan Peter Cayetano lang ang may kontrol sa mga proyekto sa Taguig na nasa ilalim ng First Metro Manila District Engineering Office.

Ang naturang district office ay kinabibilangan din ng Pateros at ng Pasig.