-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa bubuksan bukas ang fishport complex kahit natapos na ang ipinatupad na apat na araw na lockdown.

Ito ang sinabi ni Paris Ayon, Food Safety Chief ng Philippine Fishiries Development Authority (PFDA) dahil sa umiiral na lockdown bawat linggo na ipinatupad ni General Santos Mayor Ronnel Rivera.

Dagdag ni Ayon na sa Lunes ipatutupad ang mga bagong patakaran mula sa pagpasok sa gate hanggang sa loob ng tatlong market.

Siniguro nitong lilimitahan na ang pagpasok sa market 1 hanggang market 3 at lahat ng tao sa loob para ma-monitor sa pamamagitan ng bar code.

Maglalagay na rin ng mga sundalo at pulisya pati mga reservist sa lugar para magpatupad sa mga health protocol.

Kung maalala ang fishport complex ang itinurong pinagmulan ng pagdami ng coronavirus cases sa lungsod kayat sapilitan itong isinailalim sa apat na araw na lockdown para sa contact tracing at dis infection sa lugar.