-- Advertisements --

boat1

Ligtas at nasa maayos na kalagayan ngayon ang 11 mangingisda na narescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group matapos lumubog ang fishing boat na kanilang sinasakyan sa pagitan ng karagatan ng Tictabon Island at Mampang sa Zamboanga City.

Nakatanggap ng report ang Coast Guard kaugnay sa lumubog na F/B Jaya-1.

Kaagad naman rumisponde ang mga otoridad maging ang PNP Maritime Group.

Batay sa report na unang na-rescue ng mga tauhan ng PNP Maritime group ang dalawa sa 11 mangingisda.

Sinundan naman ang pag rescue sa apat pa na mangingisda at ang lima pa na nakitang palutang lutang sa karagatan ng Mariki Island.

Sinabi ng Coast Guard balik na sa kani kanilang mga pamilya ang mga nailigtas na mangingisda.