Inirerekomenda ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na panatilihin ang pagbabawal sa pangingisda sa mga lungsod na tinamaan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ito ay matapos makakita ng mga low-level contaminants o polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) sa mga sample ng isda.
Sinabi ng BFAR na ang mga resulta ng pagsusuri ng langis at grasa sa mga sample ng tubig na nakolekta mula sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindoro ay nagpakita ng makabuluhang pagtaas ng contaminants mula sa mga nakaraang pagsusuri.
Ang mababang antas ng polycyclic aromatic hydrocarbons (PAHs) ay nakita din sa lahat ng sample ng isda mula sa Oriental Mindoro na nakolekta noong Abril 3.
Gayunpaman, lahat ng sample ng tubig na nakolekta mula sa Caluya, Antique noong Marso 28 ay pumasa sa DENR standard para sa langis at grasa.
Dagdag ng kawanihan na ang mga sample ng isda na nakolekta mula sa lalawigan noong Abril 11 ay hindi nagpakita ng mga senyales ng oil tainting sa pamamagitan ng organoleptic analysis.
Ang mga palatandaan ng oil tainting ay naobserbahan naman sa mga sample ng shellfish.
Ang mga sample din ng seaweed na dating sumailalim sa pagsusuri sa laboratoryo ay naglalaman din ng mga bakas ng mga polycyclic aromatic hydrocarbons o PAH.