-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Arestado ang isang fish vendor makaraan siyang mahulihan ng ilang sachet ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Old Buswang, Kalibo, Aklan.

Nakilala ang suspek na si Charmmy Pateño alyas “Nene”, 21-anyos na nasa kustodiya na ng Kalibo Municipal Police Station.

Si Pateño ay tubong Maria Cristina, Madalag at pansamantalang nakatira sa naturang lugar.

Ayon sa Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Aklan na matagal na sa kanilang order of battle ang nasabing drug pusher.

Nagkaroon pa umano ng pagtatalo ang suspek at poseur buyer matapos na apat na sachet lamang ang iniabot ni Pateño na nagkakahalaga ng P6,800 sa halip na bulto, kung saan, P25,000 ang inihandang buy-bust money.

Nabatid na ang suspek ay dating police asset at kapatid ni Chrismar Pateño na dating nahuli sa pagbebenta ng shabu noong Enero 13, 2023 sa kasagsagan ng Ati-Atihan Festival sa Brgy. Laguinbanwa East, Numancia.

Si Pateño ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.