-- Advertisements --

Tiniyak ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na hindi na madadagdagan ang halaga nang inutang ng Pilipinas para lamang sa pagpapatupad ng proposed Bayanihan 3 sa oras na maging ganap na batas na ito.

Sinabi ito ni Salceda matapos na aprubahan ng kanyang komite ngayong araw ang Bayanihan 3, na naglalaman P405.6-billion halaga ng lifeline measures.

Ayon kay Salceda, naglalaman ng mga probisyon hinggil sa revenue generation ang inaprubahan nilang panuakalang batas, na gagamitin para mapondohan ang stimulus at programang nakapaloob dito.

Mahalaga ito lalo pa at nasa “high fiscal deficit levels” na aniya ang Pilipinas.

Kaya naman sa bersyon na inaprubahan ng kanyang komite, ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay maaring gumawa ng additional advances sa national government ng hanggang 10% ng average income ng pamahalaan mula Fiscal Year 2018 hanggang 2020.

Magkakaron din nang pagtaas sa mandatory dividend remittances ang mga state-run firms mula 50% hanggang 70%.

Bukod dito, magkakaroon din ang Presidente ng kapangyarihan para i-withdraw ang capital mula sa mga ikinukonsiderang overcapitalized government -owned and controlled corporations (GOCCs). 

Sa kabilang banta, nakikipang ugnayan na rin aniya sila sa Department of Finance para aprubahan na ang buwis sa e-sabong at POGO.