ibinunyag ni Cebu Gov. Gwen Garcia na dadalo sa opening salvo ng ika-455 na founding anniversary ng Probinsya ng Cebu sa Lunes, Agosto 5, si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ginawa nito ang pahayag kasabay ng isinagawang pagpupulong kahapon, Agosto 2, kasama ang mga alkalde at mga tourism officers ng lalawigan.
Sinabi pa ni Garcia na sa araw na iyon, magkakaroon ng parada na salihan ng lahat ng mga bayan at lungsod ng lalawigan kabilang ang mga highly-urbanized cities.
Samantala, nagkaroon naman ng paglatag ng mga guidelines para sa nalalapit na Pasigarbo sa Sugbo o festival of festivals competition.
Sasabak sa Grand Ritual Showdown ngayong taon ang 51 local government units kung saan sasali na ngayon bilang competing contingent ang Lapu-Lapu City sa kanilang Garbo sa Lapu-Lapu Festival habang mananatiling guest contingent naman ang Cebu City.
Gaganapin naman ang showdown sa Cebu City Sports Center Agosto 25.